Wednesday, October 20, 2010

Everything is going to be alright. Maybe not today but eventually.

Magtatagalog ako ngayon. Hindi ko na kasi mapigilan. :(

Pangalawang araw ng intrams namin ngayon. Sinalihan kong sport ay basketball. Nakapaglaro ako ng isang beses. Masaya sa pakiramdam at enjoy. Na enjoy ako kasi mga kaibigan din kasi namin yung una naming nakalaro, yung respect. Pagkatapos maglaro, pinanuod ko laban sa basketball at volleyball. Magdamag akong nagcheer.

Eto yung mga laban namin ngayon: 3P vs. 4P (men's vball), 3P vs. 1H (men's vball),
3P vs. 4R (men's bball), 3P vs 3R (men's bball), 3P vs 4P, (women's vball), 3P vs. 4P (women's bball), at 3P vs 3R (women's bball uli). Hindi ko lang alam kung ano yung sa chess, GG, at scrabble.

Ayun, fast forward na nga. Bago yung laban ng boys sa 4R. Kinausap ako ng kaibigan ko. Grateful ako na kinausap niya ko at tinutulungan niya kami kung paano ayusin yung problema namin tungkol sa kulang sa oras at kulang sa komunikasyon. Ang pinakaproblema lang kasi (para sa akin), nag aantayan lang kami kung sino una makikipag usap. PRIDE kumbaga. Ewan kung bakit hindi ako una nakikipag usap sa kanya. Wala si Austin nun, nagliliwaliw daw. Pero babalik.

Nung umpisa na ng laro eh nagpakita na siya. Kinausap ko na. Naayos naman. Sinabi ko lahat ng gusto ko sabihin. Ang ganda ng panunuod ko kasi leading na kami ng biglang..

Siya: Lydelle, may sasabihin ako.
Ako: Ano yun? *sabay lapit kasi lumalayo siya*
Siya: AYAW KO NA.
Ako: Ayaw na yung?
Siya: Ayaw ko na. Lagi na tayong nag aaway maski sa maliliit na bagay. Blahblahblah.
Pagkatapos ng speech nya tumakbo siya. Tumakbo na din ako. Kinausap na lang ako ng kaklase ko. Umiyak. Niyakap ang kaklase. Salamat sa mga taong cinomfort ako ngayon.

Magiging okay naman ako e. Alam ko yun. Pero sa matagal na panahon na muna.
Magpprioritize na lang muna ako sa studies, at sa mga gusto kong gawin - fencing.
Nagrereplay lang lagi sa utak ko ngayon yung nangyari ngayon.

:(( :(

No comments:

Post a Comment