Wednesday, June 16, 2010

Goodnight. ;)

Madami akong nagawang mabuti ngayong araw na 'to. HAHA.

  1. Nagpost na naman ng assignments sa peysbook.
  2. Naging 3pm ang 4pm uwian namin ngayong araw dahil nireport namin yun sa opis.
  3. Nakauwi ako ng maaga.
  4. 'Di ako nakagastos ngayon. BIG PLUS. Nakasave na naman ako ng pera. \:D/ Kailangan eh.
  5. Nakisali sa COMELEC deputy. :>
Yan siguro muna. PERO AMF. Hanggang ngayon 'di pa ako nakakapagdentista, postponed ng postponed nung monday pa. Next week talaga siguro. Magpapadentista na 'ko. Waepek na retainers ko. :/ Maluwag na.

Yun laaaang~ ♥
Ako lang ata nagtatagalog dito. Mga finofollow ko eh, puro ingles. =)) Mag iingles din ako. Abangan niyo. :D

Friday, June 11, 2010

Bawing bawi pala ang pagod ko ngayong araw na 'to.

Anim na buwan ang nakalipas. Ilang taon pa. Ilang buwan pa. Kakayanin ko. 'Di ako magsasawa sa'yo. K? :)

Ohkeso na. ♥

eto na.

Biyernes ngayon. Bukas, sabado. Samakalawa, linggo. \:D/

Ganito nangyari. Alas kwatro pa din uwian ko kasi wala pang exemption letter, ayos lang. Unang linggo pa naman ng klase eh. Nung uwian ay kumain kami magkaklase sa KFC. Tumawag SIYA. Habang iniintay niya uwian namin ay naglalaro lang siya sa pc shop ~_~ Syempre, maglalaro kasama ang kanyang barkada, pero at least iniintay ako at para hindi siya ma-bore. Siya naman mag iintay lagi! Ohaha. Nung second year kami, ako kasi lagi nag iintay.

Lakad lang ng lakad pagkatapos nun. Pumunta sa seminary gym. Lovers' lane. Naisipan na din namin umuwi. Kaya yun, nung malapit na ako sa sakayan ng dyip eh nagtext bigla kaibigan ko. Bumalik uste daw ako kasi yung guro namin dati nasa uste. Ginawa ko naman kasi ilang araw ata namin siya hindi nakikita. 'KUYA' ko pala yung guro na yun. HAHA. Pagdating ko dun eh madalian lang ako kasi umaambon at baka umulan pa. Hinatid nila ako uli sa may sakayan. :)

Paguwi ay nalaman ko na nawawala pala i.d. ko. Pero, yun pala nasa KANYA lang. Naalala ko bigla na tinago pala niya tas hindi na binalik. Epi. =))

Goodnight dear. :*

Tuesday, June 8, 2010

Unang araw ng pagiging junior.

Kulang sa tulog. Naiinitan. Pinagpapawisan. Hindi nakapagalmusal.

Ganyan umpisa ng araw ko. Hanggang uwian ay pinagpapawisan ako ng todo kaya tinapat ko sarili ko sa aircon magdamag. Pero.. lumala. Sumama pakiramdam ko kaya umuwi na lang ako kaagad.

Madaming pagbabago nangyari. May nagpagupit. May nagpabrace. May contact lens na. May tumaba. May pumayat. Normal lang yan. Pero magandang pagbabago siguro kapag makikita nating nagmature na ang mga lalake. Kasi tingin ko sa kanila. BATA lagi. K. Boys na naman. =))

Maaga ako umalis ng bahay kasi matraffic na din ng onti kapag nasa bandang welcome rotonda ka na. Nung summer eh umaabot ako ng isang oras na byahe para makapunta sa USTe. Ayos, parang pumunta na din ako sa probinsya ng bulacan o something.

Taglish. :( Pagbigyan.

Puro introduce yourself lang ginawa namin. Tas games. Breaktime. Election of officers.

FTW. Secretary ako. \:D/ Kaso malaking responsibilidad yun kasi magchecheck lagi ng attendance ng klase. Mangongolekta ng mga kailangan. Atbp. Kakayanin ko 'to. ;)

Magseseryoso na talaga ako. Peksman. Kailangan eh. :)

Sige, sa susunod uli.

Hindi na 'ko makagamit masyado ngayon ng english. Nagdadalawang isip ako sa tuwing magsasalita ako ng ganung lenggwahe. Kasi hindi ko yun napraktis nung bakasyon. MINSAN ko lang talaga yun ginagamit. Kapag ginagamit eh umaabot lang ng ilang pangungusap. :/

Tuesday, June 1, 2010

Goodbye summer, hello school days.

Today is the second day of June. Next week will be the start of our classes. Hi first period. Chemistry.

Summer. I enjoyed my summer so far. But I think it's not enough. I still need more time to bond with people I hadn't talked to in a while.
I only swam once. It was last may 20 '10. My summer was a little busy because of my training in.. fencing. I'm still learning though. I joined last school year. :-h My mom said I should continue doing this sport because I'm the first person in our family to play fencing. K.

My body's aching. Because of jogging and stuffs like that. Exercise. But my weight has no progress. Oh well. I'm not losing hope. :P

Kbye. :)