Tuesday, June 8, 2010

Unang araw ng pagiging junior.

Kulang sa tulog. Naiinitan. Pinagpapawisan. Hindi nakapagalmusal.

Ganyan umpisa ng araw ko. Hanggang uwian ay pinagpapawisan ako ng todo kaya tinapat ko sarili ko sa aircon magdamag. Pero.. lumala. Sumama pakiramdam ko kaya umuwi na lang ako kaagad.

Madaming pagbabago nangyari. May nagpagupit. May nagpabrace. May contact lens na. May tumaba. May pumayat. Normal lang yan. Pero magandang pagbabago siguro kapag makikita nating nagmature na ang mga lalake. Kasi tingin ko sa kanila. BATA lagi. K. Boys na naman. =))

Maaga ako umalis ng bahay kasi matraffic na din ng onti kapag nasa bandang welcome rotonda ka na. Nung summer eh umaabot ako ng isang oras na byahe para makapunta sa USTe. Ayos, parang pumunta na din ako sa probinsya ng bulacan o something.

Taglish. :( Pagbigyan.

Puro introduce yourself lang ginawa namin. Tas games. Breaktime. Election of officers.

FTW. Secretary ako. \:D/ Kaso malaking responsibilidad yun kasi magchecheck lagi ng attendance ng klase. Mangongolekta ng mga kailangan. Atbp. Kakayanin ko 'to. ;)

Magseseryoso na talaga ako. Peksman. Kailangan eh. :)

Sige, sa susunod uli.

Hindi na 'ko makagamit masyado ngayon ng english. Nagdadalawang isip ako sa tuwing magsasalita ako ng ganung lenggwahe. Kasi hindi ko yun napraktis nung bakasyon. MINSAN ko lang talaga yun ginagamit. Kapag ginagamit eh umaabot lang ng ilang pangungusap. :/

No comments:

Post a Comment