Friday, June 11, 2010

Bawing bawi pala ang pagod ko ngayong araw na 'to.

Anim na buwan ang nakalipas. Ilang taon pa. Ilang buwan pa. Kakayanin ko. 'Di ako magsasawa sa'yo. K? :)

Ohkeso na. ♥

eto na.

Biyernes ngayon. Bukas, sabado. Samakalawa, linggo. \:D/

Ganito nangyari. Alas kwatro pa din uwian ko kasi wala pang exemption letter, ayos lang. Unang linggo pa naman ng klase eh. Nung uwian ay kumain kami magkaklase sa KFC. Tumawag SIYA. Habang iniintay niya uwian namin ay naglalaro lang siya sa pc shop ~_~ Syempre, maglalaro kasama ang kanyang barkada, pero at least iniintay ako at para hindi siya ma-bore. Siya naman mag iintay lagi! Ohaha. Nung second year kami, ako kasi lagi nag iintay.

Lakad lang ng lakad pagkatapos nun. Pumunta sa seminary gym. Lovers' lane. Naisipan na din namin umuwi. Kaya yun, nung malapit na ako sa sakayan ng dyip eh nagtext bigla kaibigan ko. Bumalik uste daw ako kasi yung guro namin dati nasa uste. Ginawa ko naman kasi ilang araw ata namin siya hindi nakikita. 'KUYA' ko pala yung guro na yun. HAHA. Pagdating ko dun eh madalian lang ako kasi umaambon at baka umulan pa. Hinatid nila ako uli sa may sakayan. :)

Paguwi ay nalaman ko na nawawala pala i.d. ko. Pero, yun pala nasa KANYA lang. Naalala ko bigla na tinago pala niya tas hindi na binalik. Epi. =))

Goodnight dear. :*

No comments:

Post a Comment